Views expressed in this web blog are all personal opinions of the writer.
By no means he is connected with any international syndicates or mafia, as you may have believed.

From "Maskara"
Eraserheads

"Kung may problema ka
ay magsuot ng maskara
takpan mo ang iyong mata
buong mundo'y mag-iiba"

lead star of the film "I am Sam"

point to the word "sign pen" above to know what it means.

Trespasser's Name

Saang lupalop ka?

Wachasei?[Smilies]:

 

 

 
 
OO-OC-SG-AKO
04 Mayo 2006 | Huwebes

Tandang Pandamdam : Grizzly (Brother) Bear

Isa akong taong puno ng ayaw sa buhay. Ayaw sa ipis, nandidiri sa daga, takot sa gagamba. Masyadong hassle sa akin ang labis na paghihintay at kinayayamutan ko talaga ang mga taong nagpapaasa sa akin na tutuparin nila ang mga binitawang usapan ng oras ng pagdating, araw ng pagkikita at taon ng pagbaon ng pako sa pangako. Mabusisi ako sa mga maling sagot sa tanong, maarte na kung maarte pero ayaw ko talaga ng maalikabok na mesa at pakalat-kalat na damit sa kung saan-saan. Basta. Pag ayoko, mag-alay ka man ng itlog sa mga anito at santo, ayoko talaga. Walang paliwanagan. Period.

Madalas kaming magtalo ng nakababata kong kapatid dahil sa pagiging maarte, mabusisi, mareklamo at kung anu-ano ko pa umano. Disclaimer : Aminado ako, OC ako. Hindi na kailangan ng parenthesis. OC, sa mga hindi nakakaalam ay isang psychological "order" na ang ibig sabihin ay basahin na lamang ang mga halimbawang binanggit sa itaas. Sa org, SG ang isa pang equivalent ng pagiging OC. SG for "serious game". Ganito ang itatawag ng mga orgmates ko sa iyo, kapag masyado kang gadgad sa trabaho o kaya nama'y parati kang defensive mode kapag may nagbato lang ng korning punchline patungkol sa iyo. Hindi ko talaga alam kung bakit may game pa sa salitang SG, pero sa teorya ko, ang korni naman kung sabihin kang "napaka-S mo naman!". Ang dami nga namang pwedeng pakahulugan noon. Scenario: puyatan sa thesis at hindi ka pa natutulog ng ilang araw sa dorm, bigla kang sinabihan ng guard, "Oy! S ka na naman ha!". Mapapalingon ang mga dormmate mo. Shocking. Shabu user ka in an instant. Kaya siguro naisipan na lang ng orgmate ko na dagdagan ng dekorasyong G. Pero kahit na. SG man ako o OC, wala akong pake. Kahit Care Bears pa nakapansin niyan, I don't really really care. (Guard: "Oy! Korni ka na naman ha!")

So ganun nga. Madalas kami ngayong mag-away, magtalo at magsagutan ng kapatid ko dahil sa pagiging OC/SG ko sa mga bagay-bagay. Hindi ko masisi ang sarili ko dahil alam kong walang masama sa pagiging (ab)normal. Epektibo naman ang takbo ng mga pangyayari kung ang sinusunod kong pamantayan ay istandard ko. Iyon nga lang, hindi lahat masaya sa iilang values na pinanghahawakan ng iilang tao.

OC ako dahil hindi ko gusto ang isang bagay na tatapusin pero hindi sigurado kung naibigay nga ng tao ang kanyang makakaya. Lahat ng makakaya. SG ako madalas, dahil tulad ng isang laro, ayaw kong maturingang loser. Masyado nang maraming losers sa mundo at gusto ko munang magpaka-elite at mapabilang sa minority. Kapag may ginagawa akong isang bagay, sinisiguro kong pasado sa istandard ko. Saka ko lamang ipapasuri sa iba kung "very good", "good", "needs improvement", o "late -5 pts." ba ang gawa ko. Dahil paano ka makakapagthumbs up sa sarili, kung mismong gawa ay aminado kang palpak? Salamat sa UP, kahit master crammer ako, mas pinipili ko nang mapuyat o hindi matulog, maOC lang o SG ang isang bagay na dapat gawin. Kaya huwag na kayong magtaka kung bakit wala pa rin akong lovelife. Ayan napunta na tuloy sa lovelife. Ang totoo niyan, ino-OC ko lang ang pagpili. May mga nagsasabing imposible daw ang istandard ko minsan. Imposible? Sa Globe posible, ikaw pa kaya?

Oo, alam kong binabasa mo ito ngayon utol. At alam kong mag-UUPCAT ka ngayong taon. Good luck sa iyo. Huwag ka sanang malula sa taas ng istandard ng gusto mong pasukan sa kolehiyo.

###

|  

12:44 AM | 02 .05.06
more articles
 
U AND ME
04 Mayo 2006 | Huwebes
Tandang Pandamdam (Mood): ü

"Ei, musta na u?"

Ako eto. Ganun pa rin. Napaka-cliche ng sagot ko ano? Pero kung tutuusin, hindi na ganoon e. Ang dami nang nagbago. Sa sandaling natanggap ko ang text mo, naalala ko na naman iyong high school natin. Sa huling pagkakakita ko doon, marami na ring nagbago. Ibang-iba na rin. Kailan nga lang nalathala pa sa diyaryo iyong isang graduating student na nagbandera ng "Oust Gloria" habang nagmomonologue ang pangulo sa graduation rites ng dati nating State U sa Cavite. Atin-atin lang ito ha, ngayong wala na ako sa Malacanan (dati kasi akong nakapagtrabaho doon), kung ako ang nasa graduation ceremony na iyon, baka hindi lang si Gloria ang nasabihan ko ng panlilibak. At hindi lang siguro Oust. Fuck you, assholes. Die. Ikaw kamusta ka naman? I mean, musta na rin u?

"Me? Nagtatrabaho na me. Hay, ang boring nga e. Miss q na u kausap. Wala me makausap matino sa opis. Asar boss q."

Buti ka nga may trabaho ngayon e. Pero okay lang. Mas mabuti na sa akin ngayon ang wala, kaysa naman manatili akong magsilbi sa mga taong hindi ko rin naman pinagkakatiwalaan ang budhi. Pero tama ka. Nakakamiss ang high school. Noon, libreng-libre kang kaasaran ang lahat ng bagay - mga maruming CR, librong overdue, at chewing gum sa sapatos. Hindi rin natin sinanto ang mga titser na tamad, bastos, o di kaya nama'y 'di maayos na nagtuturo. O ako lang ba ang gumagawa noon? Nakakatawa. Noon nakakatawa noong pagbintangan akong naglathala ng isang propaganda na lumalait sa mga dati nating titser. Ako daw kasi ang EIC ng school paper natin at may kakayahang magsulat ng mga ganung bagay. Nakakatawa talaga pag naiisip ko yun ngayon. Dahil hindi iyon totoo. Pero kailan lang, napagbintangan ako ng mga Presidential Security Guard ng Malacanan na nakikipagsabwatan sa mga aktibista habang nagtatrabaho sa loob ng palasyo. Hindi iyon totoo. At nang isailalim ako sa imbestigasyon, hindi na ako natuwa. Hindi na nakakatawa.

"Kita-kits naman tau minsan."

Sure, sure. Nasaan na nga ba ang mga dati nating kaklase? Wala pa akong nababalitaang nagpakasal, nag-asawa, nanganak o nang-anak na. Pero sigurado ako may sari-sarili na rin tayong buhay. Kanya-kanyang karera na tinatahak para abutin ang kung anumang pangarap na matagal na nating ginusto. Ako, gusto ko lang tahimik na lipunan. Deep ba? Pero seryoso ako. Walang makasarili. Walang bangayan. Lahat nagkakaunawaan. Simple lang. *sigh* Ay oo nga pala, isasama ko na rin sa gusto ko ang makakita ng shooting star. Pagtapos noon, saka na ako magwiwish para sa sarili ko. Gusto ko lang naman ano e,uhm, house and lot or condominium unit.Hehe.Pero kung di pa kaya nung shooting star, kahit iPod muna.

"Okay lang u? "

Oo. E you?

"Ung totoo? Di e."

Why naman you di okay?

"Namimiss na kita e. Hehe."

Hehe. Miss ko na rin ang high school. Miss ko na yung dati. Simple lang.

"Uy matutulog na me. Maaga pa q pasok 2mrw."

Okay sige. Sana bukas happy na tayong dalaw

*Battery Empty*

###

|  

1:28 AM | 03 .05.06
more articles
 
BLABBERMOUTH
03 May, 2006 | Wednesday
Mood of the Day: politically correct

The Justice Secretary is without any trace of doubt, the government's nagging gentleman. He has been letting the administration used him as frontliner without the need for a full battle gear except his fast-talking mouth and a non-working right brain.

This has become more evident now that some of the accused in the Subic rape case were downgraded as mere accomplices, while retaining the principal defendant a suspect. Moreover, he echoes what Malacanan has been saying over the nullification of Executive Order 464 and the Calibrated Preemptive Response (coined admittedly by Executive Secretary Ermita): that the order is still in effect and state "destabilizers" ought to be warned of continuing arrest should they try to stage rallies without permit from the local government concerned. The question now is whether the palace would allow their local officials (most especially their partymates) grant permits to those who want to voice out their angsts and concerns, or would they still play powertripping over their so-called "destabilizers" by prohibiting them, controlling local officials as if they are their masters, and the latter are puppets.

And now, Raul Gonzales' mouth has been all over the radio, television and print, exercising without precautions unintelligent views and conflicting opinions. It is timely and just for a Justice Secretary to shut his lips tight and focus in prosecuting wrongdoers and lawbreakers in this almost-God-forsaken country.

Men who talk definitely have balls. But in the case of Secretary Gonzales, he has been talking too much of a man. Certainly, a person like him with too many balls dangling in his crotch is considered by norm a nuisance.

Oh that is an understatement. Freak, I believe, is more accurate.

###

|  

11:52 AM | 04 .05.06
more articles
 

AMA: Hoy Junior! 'Wag kang babakla-bakla ha!

JUNIOR: 'Di po Itay. Papunta pa nga akong basketball court ngayon e!

AMA: Iyan! Astig!!

JUNIOR: 'Nay, nakita mo ba yung POMPOMS ko?!

MAMA: Alin, iyong pink?

joke joke joke ! ~~

Book taken out of shelf
The Five People You Meet in Heaven
Mitch Albom

  • All endings are also beginnings. We just don't know it at a time.
  • Take one story, viewed from two different angles. It is the same day, the same moment, but one angle ends happily.
  • Young men go to war. Sometimes because they want to. Always, they feel they are supposed to. This comes from the sad, layered stories of life, which over the centuries have seen courage confused with picking up arms, and cowardice confused with laying them down.
  • People think of heaven as a paradise garden, a place where they can float on clouds and laze in rivers and mountains. But scenery without solace is meaningless.
  • Every life has one true-love snapshot.
  • This is the greatest gift God can give you: to understand what happened in your life. To have it explained. It is the peace you have been searching for.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

top

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

top

 

 

 

 

 

©Copyright 2006

Ink Matters is the personal web blog of Jayson Bernard B. Santos

Plagarism is not just unethical. It is indeed, against the law. Huwag kang pasaway, bobo.
 
website tracking