It pays to be mean.
Touch me not baby. 'Pag mainit ang ulo ko, huwag mo nang tangkaing mangbato ng bato. Kahit tinapay pa iyan, siguradong ayaw ko.
Kaya naman marami ang nagsasabi at naniniwalang war-freak DAW ako. Ang totoo niyan, totoo. May ilang tao rin naman kasing tila nanadya o talagang mahina lang ang senses na hindi kaagad nalalaman kung nasa active mode ang weapons of mass destruction sa sistema ko.
Scene 1. INT. Loob ng jeep. Papunta si Hitler (aka AKO) sa Math Building kaya nakasakay siya sa dyipning may rutang Toki. Puyat si Hitler, dahil sa ilang araw na walang tulog sa paggawa ng thesis. Nang biglang...
... dumikit ang malapad na kamay ng babaeng pasahero sa namimintog na hita ng puyat at hindi pa natutulog na si Hitler. (Good luck sa kanya dahil...)
WAR-FREAK MODE HITLER: (Titingnan ang kaawa-awang babaeng pasahero) "Miss, close tayo?!"
Scene 2 . INT. Opisina. Puyat na naman si Hitler, dahil sa panonood ng Big Brother kinagabihan. Nasa loob na siya ng opisina nang walang kaabug-abog na may nagtanong:
Officemate: "Ay, mahangin ba sa labas?" (sabay tawa na parang luka-loka ang tonta)
WAR-FREAK MODE HITLER: "Hindi naman. Pinagkaguluhan lang ako ng mga tao sa labas."
Scene 3 . EXT. Habang naghihintay ng bus pauwi. Nagtext ang officemate na parang luka-lukang tonta.
Officemate sa text: "Sorry ha. Nagkakaproblem na kasi ME dito sa ofis dahil sa mga demands mo. Pls stop act as if u hav all d problems in this whole world."
WAR-FREAK MODE HITLER: (reply sa text) "Boba."
Scene 4 . INT. Sa loob ng jeep. Worried si Hitler sa thesis. Puyat. Gutom. Walang pera. Hindi siya nakapagbreakfast, pero ang katabi niya pinapakain siya ng sariwa't mamasa-masang buhok.
AKO: (sa katabi) "Miss pwede pong pakitabi iyong buhok ninyo. Tumatama po kasi sa mukha ko. "
BABAENG MAARTE: "E kung ayaw ko?"
WAR-FREAK MODE HITLER: "Alam mo miss, hindi pa nga ako nagbreakfast pero ayaw ko kainin iyang buhok mo."
BABAENG MAARTE: "E kung ayaw ko nga?!"
WAR-FREAK MODE HITLER: "E di bahala ka. Ikaw miss nagbreakfast ka na ano? "
BABAENG MAARTE: "Oo. Sausage McMuffin and hot choco sa Mc Do. Beh!"
WAR-FREAK MODE HITLER: "Ay akala ko tae."
*roar*
'Wag kang mag-alala. Kung makatabi o makausap man kita, hindi ako nangangagat. But be careful, better be safe than sorry.
###